Matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan... Ex-PNP Chief Razon sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko na sina daÂting Philippine National Police (PNP) Director General Avelino Razon Jr., daÂting Deputy Director GeÂneral Geary Barias at dating PNP Comptroler Director Eliseo Dela Paz matapos na sumuko ang mga ito kahapon nang magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanila at 31 iba pa dahil sa maanomalÂyang P358.48 M repair ng 28 V150 Light Armored Vehicles (LAVs) na naganap noong 2007.
Nanawagan naman si PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Francisco UyaÂmi Jr., na mas makabubuÂting magsisuko na lamang ang 31 pa na sangkot sa kasong graft at malversation of public funds.
“As former officers they know the situation of a person being hunted kasi they were operatives before, so they know how a person is hunted so sa tingin ko mas maganda na mag-surÂrender talagaâ€, pahayag ni Uyami.
Nabatid na iniutos ng Sandiganbayan Fourth Division ang pag-aresto na walang itinakdang piyansa laban kina Razon at 32 pang mga opisyal na sangkot umano sa maanomalÂyang repair at maintenance ng Light Armored vehicles na umaabot sa nabanggit na milyong halaga. Ilan naman sa mga isinangkot sa scam ay nagsipagretiro na sa serbisyo.
Tiniyak naman ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor na hindi nila bibigyan ng VIP treatment si Razon at iba pang daÂting matataas na opisyal sakaling mailipat na ang kustodya sa mga ito sa PNP Custodial Center.
Ang nasabing mga tangke na umaabot sa 28 ang bilang ay para sa elite forces ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) at Regional Safety Battalion na naganap sa panunungkulan ni Razon bilang PNP Chief.
Bukod sa tatlo ay kinasuhan din sina daÂting PNP National Headquarters-Bids and Awards Committee Chairman Reynaldo Varilla at Vice Chairman Charlemagne Alejandrino; dating Logistics Support Service (LSS) Director Teodorico Lapuz IV at iba pa.
Samantalang kasama rin sa mga nakasuhan ay sina PNP employees Victor Agarcio, EmmaÂnuel Ojeda at Reuel Leverne Labrado; Superintendents Rainier A. Espina; Warlito T. Tubon, Henry Y. Duque, Edgar B. Paatan; Josefina B. Dumanew; Analee R. Forro; Victor M. Puddao at Alfredo M. Laviña .
Nasampahan naman ng kasong kriminal ang mga suppliers na sina ArÂtemio Zuñiga, Gigie Marpa, Marianne Jimenez, Oscar Madamba, Carmencita Salvador, Rasita Zaballero, Harold and Tyrone Ong, Pamela Pensotes at Evangeline Bais.
Kaugnay nito, inihaÂhanÂda na ng PNP-Custodial Center ang kanilang pasilidad para pagkuluÂngan sa mga opisyal na sangkot sa LAVs P358.48M scam sakaling magdesisyon ang Sandiganbayan na isailaÂlim ang mga ito sa kusÂtodya ng PNP.
- Latest