Mister dedo sa gulpi ng utol at pamangkin
MANILA, Philippines -Isang 51-anyos na mister ang nasawi matapos itong pagtulungang bugbugin ng kaniyang nakababatang kapatid at pamangking lalaki sa gitna na kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Madrid District Hospital ang biktimang si Danilo Luces, dahil sa tinamong mga bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad na nadakip ang mga suspek na sina Arnaldo Luces, 33 at pamangkin ng magkapatid na si Benito Rubi, 31.
Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga ay dumaÂting si Arnaldo sa bahay ng kanilang ina na si Marciana Luces sa nasabing lugar at kinompronta si Danilo hinggil sa luma nilang alitan na nauwi sa bangayan hanggang suntukin ng biktima ang nakababatang kapatid.
Sa gitna ng panununtok ng biktima ay tinamaan ang pamangkin nito na si Benito, dito na pinagtulungang gulpihin ng magtiyuhin ang biktima hanggang sa ito ay bumulagta.
Mabilis na dinala sa pagamutan ang biktima, subalit nabigo nang maisalba ang buhay nito.
- Latest