^

Police Metro

Lady trader inutas sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang ne­gosyanteng gi­nang habang sugatan ang anak nito makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikila­lang suspek habang ang biktima ay nagbabantay sa kanyang auto supply shop sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Rosalia Tan, 74, habang sugatan naman ang anak nitong si Winston Tan, 46, na kapwa residente ng  #23 Kabignayan St., corner Banawe, Brgy. Tatalon sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, nabatid na ang insidente ay naganap sa Arwin auto supply shop na matatagpuan malapit sa bahay ng pamilyang Tan, ganap na alas-3:15 ng hapon.

Ayon sa report,  habang abala sa pagbabantay at pag-aasikaso ng ka­nilang mga costumer sa shop ang mag-ina nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sa­bing pinagbabaril ang dalawa.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakbo ang suspek para tumakas habang ang mag-ina ay isinugod naman sa Delos Santos Hospital pero hindi na umabot ng buhay ang ginang habang ang anak nito ay patuloy pang ginagamot sa nasabing pagamutan.

Kapwa nagtamo ng tig-iisang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan ang mag-ina.

Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang krimen sa naganap na masaker noong July 2012  sa nasabing lugar kung saan nadakip at nakasuhan ang mga salarin.

Sinabi ni SPO2 Zalrarriaga, lahat ng posibleng anggulo ay kanilang titingnan sa naganap na krimen para maresolba ang kaso at madakip ang tumakas na salarin.

vuukle comment

ARWIN

AYON

BANAWE

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DELOS SANTOS HOSPITAL

KABIGNAYAN ST.

QUEZON CITY

ROSALIA TAN

WINSTON TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with