^

Police Metro

Binata binasted lumaklak ng lason

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano matanggap ng isang 23-anyos na binata ang ginawang pagbasted sa kanya ng dalagang sinisinta kung kaya’t nagawa nito na tapusin ang buhay sa pamamagitan nang paglaklak ng silver cleaner naganap kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima na nakilalang si Jestoni Santos, delivery boy at stay-in sa #552 Fabella St., Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kasamahan sa trabaho ang biktima na nakandusay sa loob ng banyo ng kanilang tinutuluyang barracks na bumubula ang bibig at ka­tabi nito ang isang bote ng silver cleaner na wala ng laman.

Sa salaysay ni Jovan Fanisan, 23, bago nangya­ri ang pagpapakamatay ay nilapitan umano siya ng biktima at nagsabing magpapakamatay.

Hindi umano pinansin ni Fanisan, sa akalang  nag­bibiro lang ito dahil kilala nila itong mapagbiro lalo na sa oras ng kanilang trabaho.

Idinagdag pa ng isang pang kasama sa trabaho na  nakita niyang umiiyak ang biktima at nang tanungin umano niya ito ay sinabing binasted siya ng kanyang nililigawang dalaga.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa kaso upang mabatid kung may foul play sa pagpapa­kamatay ng biktima.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

BATAY

FABELLA ST.

FANISAN

IDINAGDAG

JESTONI SANTOS

JOVAN FANISAN

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with