^

Police Metro

P633-M napinsala ni Maring/habagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit umano sa P633 milyon ang iniwang pinsala habang tumaas na rin sa 21 katao ang death toll na iniwan ng pinagsamang delubyo ng habagat at bagyong Maring sa mga apektadong lugar sa Luzon, ayon sa opisyal ka­hapon.

Sa ulat ni National Di­saster Risk Reduction and Management Coun­cil (NDRRMC) Executive Di­rector Eduar­do del Rosario, naka­pag­tala ang ahensya ng P633,082,850.88 pinsala kabilang dito ang P138,139,781.05 sa imprastraktura at P494,943,069.83 naman sa agrikultura.

Tumaas naman sa 21 katao ang naitalang nasawi habang 30 ang nasugatan at apat pa ang nawawala.

Sa nasabing bilang , 12 sa mga nasawi ay mula sa CALABARZON, walo sa Central Luzon at isa pa mula naman sa Metro Manila.

Nasa 248 namang ka­bahayan ang nawasak at 356 naman ang napinsala sa insidente habang nasa 500 namang lugar sa 51 bayan at lungsod sa Ilocos, Central at Southern Luzon at Metro Manila ang may mga lugar pa ring hindi bumababa ang tubig baha.

Habang nasa 58 namang highway at isang tulay ang hindi madaanan ng mga behikulo.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

EDUAR

EXECUTIVE DI

HABANG

METRO MANILA

NATIONAL DI

RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUN

SHY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with