Milyon martsa vs pork barrel sa Luneta kasado na
MANILA, Philippines - Isang malawakang protesta ang magaganap sa Lunes (Agosto 26) sa Luneta Grandstand na dadaluhan ng milyong mamamayan para hingin ang tuluyang pagbuwag sa pork barrel ng mga mambabatas.
Nanawagan si Peachy Bretaña, organizer ng Million March sa mga nais makiisa sa naturang programa na magmumula pa sa mga lalawigan na kung maaari ay doon na lamang sila bumuo ng sariling programa sa kani-kaniyang lugar at hindi na kailaÂngang bumiyahe patungo sa Luneta.
Ikinatuwa din nito ang patuloy na paglakas ng suporta ng higit na nakararaming mamamayan sa kanilang panawagang ibasura ang pork barrel.
Ayon naman kay Atty. Irene Aguila, hindi lamang sa Metro Manila ang magiging event, kundi sasabay din ang ilang kababayan natin sa mga lalawigan at maging ang mga nasa abroad.
Wala umano silang ideya kung ilan ang lalahok, ngunit ang tiyak ay nalagpasan na nito ang inaasahan nilang bilang, batay na rin sa mga nagkumpirma sa Facebook account.
Kahapon ay nagpahayag na ang Pangulong Noynoy Aquino ng pagbuwag ng Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.
Handa rin ang limang police districts ng NCRPO partikular ang Civil Disturbance Management units (CDM) ng Manila Police District upang bumuo ng plano para sa pananatili ng seguridad sa gaganaping malakihang protesta ng iba’t ibang grupo kontra sa pork barrel.
Nais ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. na mapanatili ang kapayapaan sa kilos-protesta lalo na’t sasama dito ang iba’t ibang milintanteng grupo na nasa ilalim ng Bagong Alyansang MaÂkabayan.
May ulat na bukod sa Luneta, lilihis ang mga militante at magsasagawa ng kilos-protesta sa may Mendiola patungo sa palasÂyo ng Malacañang.
Nagsimula ang deÂmonsÂtrasyon na pinangalanang “A Million People’s March to Luneta†sa isang simpleng post sa social networking site na Facebook ng isang netizen at unti-unting kumalat kung saan sumali ang iba’t ibang “civil society groups†tulad ng the Transparency and Accountability Network (TAN), mga bumubuo ng Change.org, Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Citizens’ Congress for Good Governance, at ang Makati Business Club.
- Latest