Rebelde na napatay, miyembro ng Morong 43
MANILA, Philippines - Isa sa tatlong miyemÂbro ng New People’s Army (NPA) na napatay kaÂmakailan sa isang engkuwentro sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan ay miyembro ng Morong 43 o mga rebeldeng NPA na nagpanggap na health workers.
Ito ang kinumpirma ni Col. Henry Sabarre, Commander ng Army’s 703rd Infantry Brigade (IB) matapos na pormal ng kinuha ng mga magulang ng nasawing si Ramon de la Cruz alyas Ka Mandy ang bangkay nito. Ang dalawa pang nasawing rebelde ay natukoy sa alyas na Ka Eldy at Ka Robin.
Sinabi ng opisyal na ang mga magulang ni Ka Mandy na sina Ramon dela Cruz Sr. at ina nitong si Rosita ay taga-Namayan, Malolos, Bulacan ay siya ring madalas na dumalaw dito sa selda ng Army’s 2nd Infantry Division (ID) sa panahong nakakulong ito.
Magugunita na noong Agosto 9 ay nakasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng mga nangongotong na rebelde sa engkuwentro sa Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad ng lalawigang ito.
Ang Morong 43 ay nasakote ng tropa ng militar noong Pebrero 6, 2010 sa operasyon sa Morong, Rizal. Gayunman, lima sa mga ito ang umamin sa militar na lehitimong miyembro ng NPA at tumestigo laban sa kanilang mga kasamahan matapos na sumuko habang nasa kustodya ng mga otoridad.
Magugunita na matapos palayain ang Morong 43, ilan sa mga miyembro nito ay kinumpirma ng militar na namundok sa Bondoc Peninsula sa Quezon at Batangas.
- Latest