‘Maring’ lumabas na, habagat ratsada pa rin
MANILA, Philippines -Iniulat ng PAGASA na lumabas na ng bansa ang bagyong Maring kahapon ng alas-7:00 ng umaga, subalit patuloy naman ang paghataw ng hanging habagat na siyang nagpapaulan sa Metro Manila at iba pang lugar kasama na ang Luzon.
Si Maring ay namataan kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa layong 500 kilometro ng hilagang siÂlangan ng Itbayat BaÂtanes taglay ang lakas ng hanging 500 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanging 135 kilometro baÂwat oras.
Si Maring ay patuloy na kumikilos pa timog kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Katamtaman naman ang pag-uulan sa Kanlurang Visayas at sa Mindanao dulot naman ng thunderstorms.
Patuloy na pinag-iiÂngat ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mga binabahang lugar sa pagÂguho ng mga lupa o landslides at flashfloods dahil sa patuloy na pag uulan.–
- Latest