^

Police Metro

Sinaway sa pag-lalasing, nagtalo… pulis utas sa misis na pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis nang mabaril ng kanyang misis na isa din pulis ha­bang nag-aagawan sa baril sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng bala sa sikmura na tumagos sa likod ay kinilalang si PO1 George Verbo, 37, naka­talaga sa Quezon City Police District-Fairview Station na kasalukuyang suspendido ng tatlong buwan dahil sa kasong robbery/extortion.

Inaresto naman ang misis nitong si PO1 Ge­malyn Verbo, 34, na naka­talaga din sa nasabing is­tasyon.

Batay sa ulat, bago ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-asawa na matatagpuan sa No. 101 Sampaguita Road Extension, Barangay Payatas A, Quezon City ay sinita ni Gemalyn ang mister dahil sa paglalasing na naman ito kasama ang bayaw na si Gaylord Ma­borang.

Nabatid na simula nang masuspinde sa trabaho si George ay madalas na itong maglasing sa kabila nang paulit ulit na pagsabihan ito ng asawa.

Hindi nagustuhan si George ang pagsita ng misis  kung kaya’t nagka­roon ang mag-asawa nang mainitang pagtatalo hang­gang sa tinangka ng lalaki na kunin ang service fire arm na 9mm caliber Glock 17 ng misis na nasa handbag, subalit hindi nakuha.

Kaya’t ipinasya ni Ge­malyn na lumabas ng kanilang bahay at mag­punta sa harap ng ka­ni­lang tindahan na sinun­dan naman ng lalaki at sinimulan nang saktan.

Inawat ang mag-asawa ng kanilang kasambahay na si Evangeline Coma, subalit sinuntok siya ni George sa mukha.

Habang nasa kagu­lu­han ay nagawang mailabas ni George ang baril mula sa bag ng misis  hanggang magpambuno silang mag-asawa at pumutok ang baril na tumama sa lalaki.

BARANGAY PAYATAS A

BATAY

EVANGELINE COMA

GAYLORD MA

GEORGE VERBO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-FAIRVIEW STATION

SAMPAGUITA ROAD EXTENSION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with