TESDA employees tatanggap ng bonus
MANILA, Philippines - Nakatakdang tumanggap ng ‘Performance Based Bonus’ (PBB) ang mga empleyado ng Technical Education and Skills DeveÂlopment Authority (TESDA) dahil sa tagumpay na nakamit ng ahensya.
Sinabi ni TESDA Director General at Secretary Joel Villanueva, kasama sa kinilalang “Best†na ahensya ng pamahalaan ang TESDA.
Nasa kabuuang 3,654 tauhan ng TESDA sa buong bansa ang tatanggap ng PBB na nagkakahalaga ng hanggang P35,000 bawat isa para sa taong 2012. Para tustusan ito, naglabas ang Department of Budget and Management ng P31.98 milyong pondo.
Matatandaan na naging epektibo ang PBB sa ilalim ng Executive Order No. 80 ng pamahalaan na naging mataas ang kanilang trabaho na nagdulot ng malaking kita para sa gobyerno.
Umaasa si Villanueva na dahil sa matatanggap na bonus, lalo pang magsisikap ang kanilang mga tauhan para maihatid ang “technical education†sa nakararaming mga Pilipinong nangangailangan upang masolusyunan ang kakulangan sa trabaho ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataang Pilipino na hindi makatuntong sa mga kolehiyo.
- Latest