^

Police Metro

2 driver niratrat, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang nag-iisang salarin sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Nasawi sa Region 1 Medical Center ang mga biktimang sina Reynaldo Romero at Rex Ramirez pawang residente ng Dagupan City.

Ang dalawang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente sa bahagi ng Brgy. Banaoang, Calasiao ng lalawigan dakong alas-11:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, namamasada ang dalawang biktima nang biglang sumulpot ang armadong lalaki at pagbabarilin ang mga ito.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril, na ginamit sa krimen.

Narekober sa crime scene ng mga nagrespondeng pulis ang 11 basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

AYON

BANAOANG

BRGY

CALASIAO

DAGUPAN CITY

MATAPOS

MEDICAL CENTER

PANGASINAN POLICE

REX RAMIREZ

REYNALDO ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with