^

Police Metro

Pamahalaan tutulong sa mga biktima ng banggaan ng 2 barko

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siniguro ng pamahalaan na nakahanda silang tumulong sa mga biktima ng lumubog na barko na M/V Sulpicio Expres 7 na pag-aari ng 2GO Shipping Company.

Sinabi ni Presidential spokesperson Abigail Valte, naipaalam naman kaagad sa Malacañang ang nangyaring trahedya at ginagawa na ang lahat para mailigtas ang mga nawawala pang mga pasahero ng barko.

Nagbibigay na rin aniya ng tulong ang mismong  may-ari ng lumubog na barko sa mga nakaligtas na pasahero.

“Handa naman po tayong magbigay ng kahit hong anong…’yung assistance ho na kailangan po nila. As of the current situation, the management of 2GO Shipping Lines is providing relief assistance to them,” pahayag ni Valte.

Naabisuhan na umano kagabi pa ang mga kinaukulang tanggapan ng pamahalaan hinggil sa nangyaring trahedya matapos magbanggaan ang dalawang barko sa karagatang sakop ng Talisay City, Cebu.

Kabilang aniya sa mga tulong na ibinibigay ng may ari ng 2GO ang temporary shelters para sa mga survivors, hot meals, medical assistance para sa mga nasugatan at accommodation hangga’t hindi pa naayos ang lahat.

Pero kung may kulang pa umano sa ibinibigay na assistance ng 2GO ay nakahandang umayuda ang gobyerno.

Tumanggi naman si Valte na magbigay ng komento sa gagawing imbestigasyon at kung sino ang dapat sisihin sa nangyaring banggaan.

Sinabi ni Valte, alam na ng lahat na palaging nasasangkot sa aksidente ang Sulpicio Lines pero mas makakabuti pa ring hintayin na lamang ang magiging resulta ng imbestigasyon.

 

ABIGAIL VALTE

SHIPPING COMPANY

SHIPPING LINES

SINABI

SULPICIO LINES

TALISAY CITY

V SULPICIO EXPRES

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with