‘Pagka-casino’ ni Torres iimbestigahan
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Abaya na may kaparusaÂhan sa batas ang sinumang opisyal ng gobyerno na pumasok, mag-istambay at maglaro sa casino.
Ito’y makaraan maÂÂpanood si Land TransÂportaÂtion Office (LTO) chief VirÂginia Torres sa 36-second clip sa You Tube na naglalaro ng slot machine na pinamagaÂtang “LTO Chief Casino Queen†na nailathala niÂtong August 13.
Sa nasabing video, maÂkikita ang isang babae na kahawig ni Torres habang nakaupo sa harapan ng isang slot machine sa loob ng isang di
tinukoy na casino at tila naglalaro.
Kaya naman ay agad na iimbestigahan ni Abaya ang nasabing video clip at isusumite sa Malacañang ang natuÂrang report.
Ikinatwiran ni Torres, napadaan lamang siya sa slot machine dahil hinihintay nila ang kanilang bill sa kinainang restaurant sa isang hotel at matagal na umano ito.
Siniguro naman ng Malacañang na hindi bibigyan ng “VIP treatment†ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ‘kabarilan’ na si Torres sa sandaÂling mapatunayang lumaÂbag ito sa Memorandum Circular No. 8 matapos makunan ito na naglalaro ng slot machine sa isang casino.
Ayon kay Sec. Edwin Lacierda, hindi exempted si Torres kahit na ito ay presidential appointee at sinasabing isa sa KKK ng Pangulo sa sandaling mapatunayan na lumabag ito sa MC no. 8.
- Latest