^

Police Metro

Balintang Channel incident... PCG men kinasuhan ng homicide

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kasong homicide ang isinampa ng National  Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa madugong insidente sa Balintang Channel noong Mayo.

Ayon kay NBI Direc­tor Nonnatus Rojas, naihain na nila ang kaso sa National Prosecution Service ng DOJ.

Matatandaan na una nang inirekumenda ng NBI na masampahan ng kasong homicide ang wa­long mi­yembro ng PCG na kinabibilangan nina Commanding Officer Arnold Dela Cruz, SN1 Edrando Quiapo Aguila, SN1 Mhelvin Bendo, SN2 Nicky Reynold Aurello, SN1 Andy Gibb Ronario Golfo, SN1 Sunny Galang Masangcay, SN1 Henry Baco Solomon at PO2 Richard Fernandez Corpuz.

Kasong obstruction of justice naman ang isinampa laban kina SN1 Marvin Ramirez at Lt. Jr Grade Martin Bernabe.

Matatandaan na isang mangingisdang Taiwa­nese ang nasawi nang pagbabarilin ng mga tauhan ng Coast Guard ang kanilang bangkang pangisda noong May 9, 2013.

ANDY GIBB RONARIO GOLFO

BALINTANG CHANNEL

BUREAU OF INVESTIGATION

COAST GUARD

COMMANDING OFFICER ARNOLD DELA CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDRANDO QUIAPO AGUILA

HENRY BACO SOLOMON

JR GRADE MARTIN BERNABE

KASONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with