^

Police Metro

Dahil sa oil spill... Petron inisyuhan ng CDO

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bunsod ng naganap na oil spill, kaya inisyuhan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario, Cavite ng Cease and Desist Order (CDO) ang Petron Corporation para matigil na ang ‘underwater operations’ nito.

Ayon kay Rosario Ma­yor Nonong Ricafrente, hanggat hindi nagagawa ang pipeline sa ilalim ng dagat ng Petron ay hindi ito maaaring mag-resume ng operasyon bagamat nauna ng nagpasabi ang kumpanya na magkukusa ng isara at hindi muna gagamitin ang nasabing tubo.

Sinabi ni Ricafrente, hihingi sila ng kaukulang tulong o assistance sa Petron dahil marami umanong naperwisyo ng oil spill na kumalat hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa tatlo pang bayan sa lalawigan.

Nangako naman ang pamunuan ng Petron na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Mayor Rica­frente upang tu­mu­gon sa anumang pa­nga­ngaila­ngan ng mga na­pinsalang residente da­hil sa oil spill.

AYON

BUNSOD

CEASE AND DESIST ORDER

MAYOR RICA

NONONG RICAFRENTE

PETRON

PETRON CORPORATION

ROSARIO MA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with