^

Police Metro

Boracay west cove umalma sa black propaganda

Pang-masa

MANILA, Philippines -Nilinaw ng management ng Boracay West Cove na isang demolition job ang mali at malisyosong mga balita na patuloy ang operasyon sa kabila ng ka­walan ng karampatang environmental clearance mula sa national at lokal na pamahalaan ng Malay, Kalibo, Aklan.

Ayon kay Cris Aquino, CEO ng Boracay West Cove, ang kanilang world-class service sa mga Filipino at foreign beach-lovers ang ugat ng galit ng mga taong nagkakalat ngayon ng black propaganda sa media at iba pang social networking sites.

Lahat ng imprastraktura sa resort ay naitayo alinsunod sa Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAg-T) mula sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ayon sa L.C. Map No. 36-42 na nakapaloob sa Proclamation No. 1064 na ibinigay ng DENR noong Dec. 23, 2009, at may bisa sa loob ng 25 taon.

Nagtataka si Aquino kung bakit sila ay pinag-ii­ni­tan at pinupuntirya ng isang kilalang radio broadcaster gayung pinaghirapanng pagandahin upang maihanay sa mga ipinagmamalaki nating world-class resorts gaya ng El Nido at Dos Palmas Resorts at hotels sa Puerto Princesa, Palawan.

Pinoprotesta rin ni Aquino ang di-makatarungang demolition na isinagawa ng otoridad sa Malay, Aklan base lamang sa mga expose ng isang brodkaster at iba pang mamahayag dahil sa umano sulsol ng ‘vested interests’.

Kamakailan ay natanggap ng West Cove ang Gold Award sa “International Star for Quality Leadership (ISQL) 2013” na ginanap sa Paris, France dahil sa galing at “world-class service at tourism promotions” nito na nakapagtala ng lagpas 40,000 turista.

AKLAN

AQUINO

BORACAY WEST COVE

CRIS AQUINO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENTAL AND NATURAL RESOURCES

DOS PALMAS RESORTS

EL NIDO

FOREST LAND USE AGREEMENT

GOLD AWARD

INTERNATIONAL STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with