^

Police Metro

Mayor, bodyguards dinisarmahan ng NPA rebels sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi na nakapalag ma­tapos harangin at disar­ma­han si Zamboanga Del Sur, Pitogo Mayor Richard Garban at kanyang mga bodyguards ng may 15-20 mga armadong New People’s Army (NPA) na nakasuot ng camouflage uniform kahapon sa Brgy. Mati, San Miguel ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang harangin ng mga rebelde sa inilatag nilang checkpoint ang behikulo ni Mayor Garban na bumabagtas sa nasabing lugar sa harapan ng Mati Elementary School.

Nagpanggap pa uma­nong mga pulis na pawang armado ng malala­kas na kalibre ng armas at naka­suot ng uniporme ng PNP-SAF.

Hindi naman sinaktan ng mga rebelde ang alkalde at dalawang police escorts nito, isa rito ay kinilalang si PO3 Julito Hacolano na mabilis nagsitakas patungo sa kabundukan ng Brgy. Ocapan at Brgy. Calube matapos makuha ang armas na isang baby armalite rifle, at isang cal. 45 pistol.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALUBE

JULITO HACOLANO

MATI ELEMENTARY SCHOOL

MAYOR GARBAN

NEW PEOPLE

PITOGO MAYOR RICHARD GARBAN

SAN MIGUEL

ZAMBOANGA DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with