^

Police Metro

3 bomba narekober malapit sa city hall… Pagbomba muli sa Cotabato, nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang metro lang ang layo mula sa Cotabato City Hall ang tatlong bomba na narekober ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa gitna na rin ng hindi pa nakakabangon ang lungsod sa malagim na epekto ng ‘car bom­bing’ sa lungsod ng Cotabato noong Agosto 5 na kumitil ng buhay ng 8 katao habang 30 pa ang nasugatan.

Batay sa ulat ni Cota­bato City Police Director P/Sr. Supt. Rolen Balquin, bandang alas-10:00 ng gabi nang ma­diskubre ng isang basurero ang tatlong Improvised Explosive Device (IEDs) na nakasilid sa sako sa Malagapas Dumpsite sa Brgy. Rosary Heights 10 ng lungsod.

Agad namang nagres­ponde ang pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Philippine Marines at narekober ang mga bomba na kinabibilangan ng dalawang gawa sa 60 MM habang ang isa pa ay isang 81 MM mortar na may cartridge na cell phone ang pang-detonate.

Pinaniniwalaang napi­litan ang mga bombers na abandonahin sa dumpsite ang mga bomba dahilan sa pinaigting na presensya ng pulisya at militar sa lungsod bunga ng nangyaring pambobomba dito noong nakalipas na Agosto 5.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at Task Force Kutawato ng militar upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagtatanim ng bomba.

Inihayag ng opisyal na ang lugar na pinaglagyan sa narekober na bomba ay may ilang metro lamang ang layo sa People’s Pa­la­ce ng Cotabato City Hall.

 

vuukle comment

AGOSTO

CITY POLICE DIRECTOR P

COTABATO CITY HALL

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

MALAGAPAS DUMPSITE

PHILIPPINE MARINES

ROLEN BALQUIN

ROSARY HEIGHTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with