1 dedo, 48 nawawala kay ‘Labuyo’
MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nataÂbunan ng rumaragasang putik habang 48 iba pa ang nawawala matapos na manalasa ang bagyong Labuyo sa ilang bahagi ng Luzon.
Sa ulat ng National DiÂsaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, kinilala ang nasaÂwing si Jomar Salicong, natabunan ng gumuhong putik sa Kilometer 14, Brgy. Kabuyao Poblacion sa Tuba, Benguet dakong alas-8:30 ng umaga kahapon.
Nasa 25 namang maÂngingisda na lulan ng tatlong bangka ang napaulat na nawawala matapos na abutin ng unos ng bagyong Labuyo sa karagatan.
Ang bangkang pangisÂdang Super Boy ay umaÂlis sa Infanta, PangasiÂnan noong Agosto 8 pero nabiÂgong makabalik
Kabilang sa lulan nito ay ang boat captain na si Ramil Rosal; Ricardo Etac; Iguan Bulig; Balong Nical; Narding Nical; DaÂniel Maloon; Andy Lebios; Efepanio Rosal; Dodong Rosal at Joseph Arupin.
Lulan naman ng bangkang Bon bon ang siyam na crew na umalis sa Brgy. Cato, Infanta na sinasakyan ng mga maÂngiÂngisdang sina Larry Evangelista, boat captain; Geronimo Igan; John Malicdem; Oscar dela Cruz; Reynaldo Corpuz; isang tiÂnuÂkoy na Pedro, Pablito Evangelista, alyas Bong at Aaren Lauren.
Sa pangatlong bangka na umalis naman sa BoÂlinao, Pangasinan kaÂmaÂÂkalawa ay nawawala naman ang anim na mangiÂngisda na sina Jose Rolly Bagor; Tito Dagun; Gerry Barrientos; Rosendo Cas; Rolly Boy Maratas; at ManÂding Carranza.
Siyam na naman ang nawawala sa kabuuang 51 pinaghahanap na mangiÂngisda mula sa Catanduanes habang 14 namang mangiÂngisda ang nawawala sa Camarines Norte.
- Latest