^

Police Metro

Kampanya sa NGP… Pnoy suportado ng MSBFI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippine s - Suportado ng pamunuan ng Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI)  ang kampanya ni Pangulong Noynoy Aquino para sa National Greening Program (NGP)  para mamantine  ang mga luntian at indigenous forest tree species sa buong bansa.

Ayon kay MSBFI president Leonardo Ligeralde, ang 7 ektaryang lupa sa kanto ng EDSA at  Quezon Avenue ay nananatiling tanging green spot mula sa kahabaan ng Edsa mula  Monumento sa Caloocan City at Baclaran sa Pasay City ay nagkakaroon ng mga serbisyong tulad ng  seedling production, reforestation, agroforestry, tree farming, composting, charcoal making at tree maintenance .

Kabilang anya sa tree maintenance  ang pruning, tree removal, stump remo­val, earth balling, transplanting at tree surgery na matamang pinangangasiwaan ni environmentalist Dr. Isidro Esteban, ang  fo­rest consultant ng MSBFI’s  at tree doctor.

Sa September ay ipinagdiriwang ng MSBFI ang ika-36 taong anibersaryo nito.

Sinabi ni  Ligeralde  na sa ngayon ay pinalawak ang serbisyo ng  seedling bank tulad ng  consultancy, research services at extension para sa first  class environmental center. Tumutulong din sila sa pananaliksik ng mga unibersidad tulad ng Ateneo De Manila University, University of Santo Tomas at ng  University of the Philippines.

Bilang pagsuporta anya sa NGP ng pangulong Aquino ang  MSBFI  ay nakiki­pagtulungan sa DENR para sa pagtatanim ng may 5,750 seedlings ng forest tree species tulad ng ilang-ilang, saging, Palawan cherry sa Pangasinan State University sa Infanta, Pangasinan.

Mayroon ding “Gulayan sa Barangay’’ project ang  MSBFI  sa may  142 barangays sa QC na kakikitaan ng mga gulay na ampalaya, pechay, tomato, mustard, kangkong, squash, okra, sili, talong at  stringbeans.

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CALOOCAN CITY

DR. ISIDRO ESTEBAN

LEONARDO LIGERALDE

MANILA SEEDLING BANK FOUNDATION INC

NATIONAL GREENING PROGRAM

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

TREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with