^

Police Metro

Pasig roberry: 4 dedo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang apat na katao matapos holdapin ng apat na lalaki ang isang sangay ng kilalang Supermarket sa Barangay Rosario, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang tatlo sa nasawi na pawang empleyado ng Supermarket ay sina Melanie Belga, 35, ladyguard ng Protect Security Agency at nakatira sa Westbank Road Floodway, Barangay Rosario;  Frederick Perez, 34, security guard, at si Nonie Onas, isang merchandiser.

Napatay din sa insidente ang isa sa mga suspek na nakilalang si Hernani Lupera Jr., 35, security guard, at nakatira sa Block 33, Lot 13, Phase 28, Bulcan, Silang, Cavite.

Batay sa report ni SPO1 Arjan Adriano ng Pasig City police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:55 ng gabi sa loob ng Treasury Office ng Supermarket na matatagpuan sa Ortigas Avenue, Barangay Rosario, Pasig City.

Sinasabing sarado na  ang supermarket nang isa sa empleyado nito ang lumabas upang magtapon ng basura, pero sa muling pagpasok nito ay  sinabayan siya  ng mga suspek at agad na tinutukan ng baril ang iba pang empleyado at pinadapa saka inianunsiyo ang holdap.

Lumapit ang isa sa mga suspek sa cashier na si Rit­chelda Andeza, tinutukan ng baril at inutusan na buksan ang vault habang tinipon naman ng ibang suspek ang mga guwardiya at natitirang empleyado at nagbantang papatayin ang mga ito kung mag-iingay.

Dahil sa takot ay nag-hysterical  ang isa sa mga babaeng empleyado kaya sila pinagbabaril hanggang sa lumaban ang ibang biktima at napatay ang isa sa mga suspek habang ang tatlo ay mabilis na nakatakas bago pa man makapagresponde ang mga awtoridad.

Isa sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ay inside job ang naganap na robbery dahil dati umanong guwardiya ng Supermarket ang napatay na suspek na si Lupera.

 

vuukle comment

ARJAN ADRIANO

BARANGAY ROSARIO

FREDERICK PEREZ

HERNANI LUPERA JR.

MELANIE BELGA

NONIE ONAS

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

PROTECT SECURITY AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with