Red alert itinaas kay ‘Labuyo’
MANILA, Philippines - Naka-red alert ngaÂyon ang pamuÂnuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa posibleng pananalasa ng bagyong ‘Labuyo’ na sinasabing pinakamalakas na bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.
Ayon kay NDRRMC Undersec. Eduardo del Rosario, inabisuhan na nila ang iba’t-ibang concerned agencies at Local Government Units sa paglakas ni ‘Labuyo’, kung saan ay nakataas na sa signal number 3 ang maraming lugar sa bansa.
Tinukoy ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) officer in charge Vicente Malano ang mga lugar na nasa public storm signal number 3 ay ang Catanduanes, Camarines Provinces, Quezon Province, Polilio Island, Aurora at Isabela.
Signal No. 2 naman sa Sorsogon, Albay, Rizal, natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Quirino, Nueva Viscaya, Benguet, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Cagayan.
Signal No. 1 naman ang Calayan at Babuyan Group of Islands; Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, La Union, PanÂgasinan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bataan, Cavite, Batangas, Marinduque, Burias at Ticao Islands; Metro Manila at Hilagang Samar.
Ayon kay Malano, kailangang doblehin ang pag-iingat habang patuloy ang paglakas ni Labuyo.
Sa alas-11:00 ng umaga na weather bulletin ng PAGASA ay namataan si Labuyo sa layong 160 kilometro (km) hilagang-kanluran ng Virac, Catanduanes. Taglay na nito ang lakas ng hanging umaabot sa 150 km per-hour at pagbugsong aabot sa 185 kph.
Inaasahang tatama sa Casiguran Aurora si Labuyo ngayong araw na ito ng Lunes at bukas araw ng Martes ay nasa 270 km ito ng hilagang kanluran ng Ilocos Norte.
Inalerto na ng NDRÂRMC ang lahat ng lugar na maapektuhan ng bagyong Labuyo lalo na ang Region 5, 1, 2, 3, at National Capital Region (NCR) para sa preparasyon ng pagdating ng bagyo.
- Latest