^

Police Metro

Cell phone na-overcharge: 4 bahay natupok

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na huwag iwanan ang cell phone na naka-charge upang hindi matulad sa apat na kabahayan na nasunog kamakalawa sa Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite.

Batay sa ulat, ala-1:58 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Charlene Mendoza    matapos mapabayaan ang naka-charge na cell phone.

Mabilis na kumalat ang apoy  at nadamay pa ang tatlong kabahayan nina Adelina Trajico; Rizaldy Trajico at Celia Balutan na kung saan ay aabot sa P200,000 ang  naabong mga ari-arian.

Tinitingnan din ng mga imbestigador kung de­pektibo ang charger na ginamit kung kaya ma­bi­lis itong nag-init at su­mabog.

Tumagal ng may isang oras ang nasabing sunog bago tuluyang naapula.

 

ADELINA TRAJICO

BATAY

BRGY

CAVITE

CELIA BALUTAN

CHARLENE MENDOZA

LIGTONG

MABILIS

RIZALDY TRAJICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with