^

Police Metro

Nagpatrapik sa kalye, inutas ng motorista… truck driver itinirik ni kamatayan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagtirik ng mi­namaneho nitong trailer truck sa gitna ng kalsada ang naging dahilan ng kamatayan ng isang driver matapos na siya ay barilin ng isang nairitang motorista dahil sa umano’y nagresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko kamakalawa ng  gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay noon din  sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Charlie Gorope, 42, ng Gaya-ga­ya, San Jose Del Monte, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang dri­ver ng Mitsubishi Adven­ture  na may plakang TEI-531 na tumakas at iniwan nito ang nasabing sasak­yan.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Phase 12 Construction Supply, ID Road, Tala ng naturang lung­sod.

Nabatid na nagmama­niobra ang biktima sa mi­namaneho nitong trailer truck upang makapasok sa gate ng naturang establisimiyento, subalit pu­malya ang makina dahilan upang tumirik at humambalang sa kalsada na na­ging sanhi nang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Dito ay bumaba ang nairitang suspek sa kanyang sasakyan na nakasunod sa trailer truck ng biktima.

Walang sabi-sabing binaril ng suspek  ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan at dahil hindi rin makakaalis dahil sa trapik ang sasakyan ay iniwan na lamang niya ito.

vuukle comment

BULACAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHARLIE GOROPE

CONSTRUCTION SUPPLY

DITO

MITSUBISHI ADVEN

SAN JOSE DEL MONTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with