Pateros sumali na rin sa agawan sa Fort Bonifacio property
MANILA, Philippines -Nakisali na rin ang bayan ng Pateros sa agawan ng lupa ng Makati City at Taguig City sa Bonifacio Global City.
Ayon kay Pateros Mayor Joey Medina na noon pang taong 1980 nakasampa ang kaso ng pag-angkin nila sa mga lupang inaangkin din ng Makati at Taguig na umabot sa Korte Suprema at ibinalik muli sa mababang korte.
Muli umano silang nasampa ng kaso sa Pateros-Taguig Regional Trial Court noong 2012 na dinidinig pa hanggang ngayon.
Ikinuwento pa nito na Barrio Mamangkat ang tawag nila noong unang mga panahon sa Bonifacio Global City na tinatawag pa rin nila hanggang ngayon.
Sa kabila nito, nakikita ni Medina na mistulang “David†sila dahil sa pagiÂging maliit na bayan na lumalaban sa mga “Goliath†na mga lungÂsod ng Makati at Taguig.
Patuloy na umiinit naman ang sagutan nina MaÂkati City Mayor Junjun Binay at Taguig City Mayor Lani Cayetano na humarap kahapon sa mga mamamahayag para igiit na nasa hurisdiksyon pa rin ng Taguig ang Fort Bonifacio.
Matatandaang inihayag ng Court of Appeals (CA) na ang pitong military barangays na kinabibilangan ng Cembo, South Cembo, East Rembo, West Rembo, Comembo, Pembo at Pitogo, gayundin ang Inner Fort o Fwart Bonifacio barangays na Post Proper Northside at Post Proper Southside ay nasa hurisdiksyon ng Makati at pasok ang Bonifacio Global City sa Inner Fort.
“Let’s make it very clear that the decision is not yet final and executory. Taguig will continue to exercise its jurisdiction over Fort Bonifacio,†ani Cayetano.
Ipinaalala ni Cayetano na kasama sa desisyon ng Pasig City Regional Trial Court ang mga barangay ng Cembo, South Cembo, East Rembo, West Rembo, Comembo, Pembo at Pitogo na nasa ilalim naman ng pamamahala ng Makati City ngunit hindi nagmamadali ang Taguig City na maangkin ito kahit na may kautusan ang mababang korte.
- Latest