^

Police Metro

Ex-Rep. Velasco talo sa kanyang hometown

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maging sa kanyang hometown ay tinalo ni Marin­duque Congresswo­man Gina Reyes si da­ting Congressman Lord Alan Jay Velasco noong nakalipas na May 13
mid­term elections.

Ito ang naging reaks­yon ni Reyes sa ulat na ipinagkakalat umano ni Velasco na siya ang ka­rapat-dapat na umupo bilang representante ng Marinduque sa Kamara.

Sinabi ni Reyes, ma­linaw na siya ang na­nalo sa eleksiyon sa Marinduque matapos makakuha ng bo­tong 52,209 na lamang na mahigit 3,800
boto laban kay Velasco.

Maging sa bayan ng Torrijos na siyang hometown ni Velasco, ay si Reyes ang nanalo sa nakuhang 6,151 boto  kumpara sa boto ni Velasco na uma­bot lamang ng 6,047.

Idinagdag pa ni Reyes na nakapagtataka na ang Commission on Elections (Comelec) lamang at ang Korte Suprema ang nagna­nais na si Velasco ang
ma­nalo gayung malinaw na ang buong Marinduque ay siya ang nais maupo sa Kongreso.

Matatandaang diniskuwalipika ng Comelec at ng Korte Suprema si Reyes dahil lamang sa isang blog na nagsasabing si Reyes ay isang foreign citizen at ang ebidensiya ay tanging xerox copy la­mang.

Binanggit din ni Re­yes na mismong si Co­me­lec chairman Sixto Bril­lantes Jr. ang nagsabing bigo ang petitioner na si Joseph Socorro Tan na patunayan na si Reyes ay hindi na isang Filipino at ang kanyang alegasyon ay ‘circumstantial in character’ lamang.

COMELEC

CONGRESSMAN LORD ALAN JAY VELASCO

GINA REYES

JOSEPH SOCORRO TAN

KORTE SUPREMA

MARINDUQUE

REYES

SHY

VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with