Laman-loob tinanggal din… Pugot ang ulo, Putol ang ari
MANILA, Philippines - Karumaldumal na kamatayan ang nangyari sa isang lalaki na umano ay may diperensiya sa pag-iisip na matapos pugutan ng ulo ng isang adik na kanyang nakabangga sa daan ay tinanggalan pa ito ng kanyang ari at inalisan ng laman-loob naganap sa Malungon, Sarangani.
Kinilala ni Chief InsÂpector Lurobe Rojo, hepe ng Malungon ang biktima na si Gary Natural, ang edad ay nasa pagitan ng 32-35, residente ng Sitio Sto. Niño, Brgy. Poblacion ng bayang ito.
Nabatid sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na waÂlang ulo sa may sapa sa Sitio Pangan nitong nakalipas na Sabado.
Kinilala naman ng isang Luciano Natural na anak niya ang nasabing bangkay dahil sa disenyong tattoo ng gagamba sa dibdib.
Sinabi ni Rojo na maÂtindi umano ang galit ng suspek na tumanggi muna nitong tukuyin ang pangalan dahilan baka mabulilyaso ang dragnet operations laban dito.
Patuloy ang imbestigasyon kung may posibiÂlidad na drug addict ang suspek dahilan sa brutal na pagpaslang sa biktima at lahat din ng anggulo ay masusing sinisilip ng mga otoridad sa motibo ng krimen.
- Latest