^

Police Metro

Gun ban exemptions pinalawig hanggang Brgy. at SK elections

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Commission on Elections (Come­lec)  ang gun ban exemptions na ipinalabas noong May 13 midterm elections hanggang sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na batay sa ilalim ng Comelec Resolutions 9735 na nagtatakda rin ng panuntunan kaugnay ng pagkuha ng mga security detail ng mga kandidato
sa Barangay at SK Elections ay hindi na kailangan pang magpa-renew ang mga nabigyan noon ng gun ban exemption para sa May 2013 polls.

Ang aprubadong aplikasyon naman para sa pagkuha ng security personnel noong midterm elections ay kinakaila­ngang sumailalim sa renewal.

Gayunman wala pang itinatakdang petsa ang Comelec para sa mga magpapa-renew at bago pa lamang na kukuha ng nasabing aplikasyon.

Ang pagbabawal sa pagdadala ng baril ay magsisimula sa ika-28 ng Setyembre na siya ring
opisyal na simula ng panahon ng eleksyon.

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER LUCENITO TAGLE

COMELEC RESOLUTIONS

ELECTIONS

GAYUNMAN

IPINALIWANAG

PINALAWIG

SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with