^

Police Metro

6 Todas, 29 sugatan sa Cotabato Blast bomba ikinabit sa motorsiklo…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bomba na iki­na­bit sa isang motorsiklo ang sumabog na ikinasawi ng anim na katao at malubhang pagkasugat ng 29 iba pa na naganap kahapon ng hapon sa panulukan ng Maniara Street at Sinsuat Avenue, Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City.

Ang insidente ay sa gitna na rin ng babala ng US Intelligence hinggil sa pandaigdigang banta ng terorismo na ihahasik ng grupo ng Al Qaeda terrorist at ng mga kaalyado nitong mga lokal na terorista.

Ayon kay Lt Col. Custodio Parcon, Commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)1, anim katao ang inisyal na napaulat na nasawi habang inaalam pa kung may binawian din ng buhay sa mga nasa kritikal na kondisyon.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga nasugatang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan. 

Sinabi  naman ni Sr. Supt. Rolen Balquin, Director ng Cotabato City Police, dakong alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang pagsabog malapit sa tanggapan ng Office of the Regional Governor ng ARMM at Cotabato Regional Medical Center na ang bomba ay sinasabing ikinabit umano sa isang XRM motorcycle na naka­parada sa nasabing lugar.

Ang sumambulat na bomba ay ikinapinsala rin ng walong behikulo at tatlong motorsiklo na nakaparada sa lugar. 

Magugunita na noong Hulyo 26 ay naganap ang  pagsabog sa Cagayan de Oro City noong nakalipas na Hulyo 26 na ikinasawi ng 8 katao habang 46 pa ang nasugatan.

AL QAEDA

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE

COTABATO REGIONAL MEDICAL CENTER

CUSTODIO PARCON

HULYO

LT COL

MANIARA STREET

MARINE BATTALION LANDING TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with