^

Police Metro

Caretaker inutas habang natutulog… Tatlong patalim itinarak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patraydor na pinatay ang isang 55-an­yos na caretaker ng hindi pa kilalang salarin nang ito ay tarakan ng patalim habang natutulog sa kanyang barracks sa pinapasukang kumpanya sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang sa alyas na “Ver”,  may taas na 5’4” hanggang 5’5”, estibador at caretaker ng Commodity Transport Corporation, Simon Enterprises na matatagpuan sa Lubiran St. Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Nakita sa katawan ng biktima ang tatlong tarak ng patalim na ang pinakahuling tarak ay hindi na binunot sa  dibdib nito.

Sa pahayag ng kasamahan sa trabaho na si Dexter Madrona, nagpapahinga sila sa barracks nang marinig na humihingi ng saklolo ang biktima kaya tinungo nila ang barracks at tumambad na may
nakatarak pang kutsilyo sa dibdib nito.

Walang makapagsabi kung sino ang tumira sa biktima na umano ay mas­yadong metikuloso sa trabaho at gusto na pala­ging malinis yung paligid niya dahil sa pagiging care­taker.

Posible aniyang, sinamantala ng suspect na galit sa biktima ang pagiging lasing nito nang saksakin.
 

vuukle comment

COMMODITY TRANSPORT CORPORATION

DEXTER MADRONA

LUBIRAN ST. BACOOD

MAYNILA

NAKITA

PATRAYDOR

POSIBLE

SIMON ENTERPRISES

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with