Anak ng piskal kinotongan ng 4 traffic enforcer
MANILA, Philippines - Isang babaeng anak ng isang San Juan City chief proÂsecutor na si Tomas RiÂcalde Jr., ang nagreklamo sa pulisya matapos na siya ay kotongan ng apat na lalaki na nagpanggap na mga QC traffic enforcer sa Quezon City.
Agad na nadakip ng mga otoridad ang apat na trafÂfic enforcer na kinilalang sina Eduardo Celeteria, 40; Raymond Liwag, 33; Eduardo Joves, 48 (mga daÂting mga miyembro ng traÂpik ng Department of Public Order and Safety sa lungsod) at Bernard Medina, 40.
Sa reklamo ng biktiÂmang si Dorothy Joy RiÂcalde, 25, development offiÂcer ng Marikina City, daÂkong alas-11:30 ng umaÂga habang minamaneho niya ang kanyang Toyota Vios ay nag-U-turn siya sa harap ng Wilcon Bldg., Brgy. Bagumbayan nang parahin siya ng mga suspek na pawang mga naka-uniÂporme ng asul na polo shirt na ginagamit ng mga otoridad at may tatak ng TEG QCPD.
Lumabag umano sa batas trapiko ang biktima at para umano hindi na siya tiketan ay hiningan siya ng halagang P700.
Para hindi maabala ay nagbigay ang biktima sa hiningi ng mga suspek bago siya pinaalis at habang papalayo ay itinext ng bikÂtima ang kanyang tatay na siya namang humiÂngi ng tulong sa Police StaÂtion 12 at District Traffic Enforcement Unit ng Camp Karingal.
Agad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar at naabutan pa ang mga suspek na nag-aabang ng panibagong bibiktimahin at inaresto ang mga ito.
Kinasuhan ng robbery extortion at usurparion of authority ang isinampang kaso ng otoridad laban sa mga suspek.
- Latest