Binaril sa ulo kahit na nagmamakaawa… adik tinuluyan ng kabaro
MANILA, Philippines - Mistulang bingi ang isang lalaÂking adik sa droga sa pagmamakaawa ng kasamahan nito na huwag siyang patayin maÂtapos ang kanilang pagtatalo habang naglaÂlaÂro ng dice sa loob ng abandonadong kuwarto na ginagawa nilang pot session sa Makati City kaÂhapon ng madaling-araw.
Ang biktima na namaÂtay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ay nakilalang si Garry Pialago, 27, ng Rosal St., Barangay Pembo ng lungÂsod dahil sa tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo.
Ang suspek na pinagÂhahanap ng pulisya ay kinilalang si Raniel EsÂcobeta, 25, jobless, nakaÂtira sa Block 43, Lot 7, Yellow Bell St., Barangay Pembo.
Sa pagsisiyasat ng puÂlisya, bago naganap ang krimen dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa isang abandonadong kuwarto na ginagawang pot-session ng mga addict sa Block 71, Lot 20, MilÂflores St., Barangay Rizal ay magkasamang nagÂlalaro ng dice ang suspek, biktima at ilang kalalakihan.
Sa hindi malamang kaÂdahilanan ay nagalit ang suspek at pinagugulpi ang biktima na hindi naÂkapalag nang bumunot ng baril ang una.
Itinutok ng suspek ang baril sa biktima na nagÂmakaawa na huwag siyang patayin at maging ang ilang kalalakihan na naroon ay nakiusap din na huwag silang idamay dahil may pamilya sila.
Naawa ang suspek sa mga kalalakihan at pinalabas niya ang mga ito at tanging naiwan ang biktima sa loob ng kuwarto.
Ilang minuto pa laÂmang nakakalayo ang mga kalalakihan ay nakarinig na sila ng putok ng baril at nakita na lumabas ang suspek at sinabi nito sa kanila na huwag silang maingay dahil patay na si Pialago.
Mabilis na tumakas ang suspek at agad na isinugod ng mga kalaÂlaÂkihan ang biktima sa naturang ospital, subalit binawian ito ng buhay.
Malaki ang hinala ng pulisya na away sa droga ang dahilan ng krimen dahil sa pinamumugaran ng mga drug addict ang lugar at naka-recover sa crime scene ang ilang drug paraphernalias.
- Latest