Reporters babawalan ni Drilon sa session hall ng Senado
MANILA, Philippines - Nais ipatupad ni Senate President Franklin Drilon ang pagbabawal sa Senate media na mag-interview sa mismong session hall ng Mataas na Kapulungan kahit matagal na itong nakagawian sa ilalim ng mga nagdaan senate president.
Nabatid na sa Lunes ay sisimulan ang pag-ban sa Senate media na mag-interview sa mga senador na nais nilang kapanayamin bago magsimula ang sesyon na kalimitang nagsisimula ng alas-3:00 ng hapon.
Ang Public Relation and Information Bureau (PRIB) na lamang umano ang hahatak sa senador na nais ipa-interview sa media sa isang itatalagang briefing room.
Naguguluhan umano si Drilon kapag nakikita ang mga media na nag i-interview sa loob ng plenaryo bago magsimula ang sesyon at isinangkalan nito ang “security reason†dahil posibleng makapasok umano ang mga pekeng media at humalo sa mga lehitimong reporters ng Senado.
Hindi pabor ang maÂraÂming media sa nais mangyari ni Drilon dahil mawawalan na ng choice ang media kung sino ang nais nilang interbyuÂhing senador.
- Latest