CBCP payag sa 3rd sex na santo
MANILA, Philippines - Hindi hadlang ang pagiging 3rd sex upang maging banal o maÂging Santo at Santa sa sinumang nilalang na iba ang “seÂxual orientation.
Ito ang inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines - Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Fr. Melvin Castro dahil ang bawat tao na nilikha ng Diyos ay tinatawagan na maging banal anuman ang kanyang kasarian.
Posible anya na mayroon ang Simbahan na isang Santo o Santa na may same-sex attraction, subalit walang nagawang sexual intimacies sa kapwa.
Inihayag ng pari na maaring maging Santo at Santa ang isang bading at tomboy kung ito ay mayroong “chaste lifeâ€, walang ginagawang sexual intimacies, gumagawa ng mabuti sa kapwa, sumunod sa kalooban ng Panginoon at handang i-alay ang sarili para sa kabutihan ng iba at sa Panginoon.
Naninindigan naman si Fr.Castro na walang puwang sa Simbahang Katolika ang “same sex†union at iginiit na kailanman ay hindi bubuwagin ng Simbahan ang katuruan ng Diyos sa kasagraduhan ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki at hindi sa magkaparehong kasarian o sa pagitan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae.
Inihayag ito ng pari matapos madismaya sa naging pahayag ni Pope Francis ang ilang grupo na kabilang sa third sex na umaasang tatanggapin sila ng buung-buo ng Simbahan.
Malinaw anya ang sinasabi ni Pope Francis na wala siyang karapatan na husgahan ang isang bakla at tomboy lalo pa kung ito ay nagbago na at gustong magbalik-loob sa Diyos.
Hindi maaaring tangÂgapin ng Simbahan ang kagustuhan ng mga kabilang sa third sex na same-sex union o same-sex marriage.
- Latest