^

Police Metro

Operator nilamon ng makina: Helper naman pisak sa troso…

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang machine operator nang lamunin ito ng makina na kanyang ino-operate kahapon sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rolando Gloria Jr., 23, stay-in sa Super Sonic Manufacturing Corporation na matatagpuan sa F. Dulalia St., Barangay  Lingunan ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong  ala-1:15 ng hapon ay naglalagay ng tubig ang biktima sa makina nang aksidenteng maipit ang kanang kamay nito sa roller drum.

Nagpipiglas ang biktima na alisin ang kamay sa pagkakaipit, subalit nilamon ito hanggang sa madurog ang kanyang ulo na ikinasawi nito.

Samantala, nasawi din ang truck helper na si Florencio Tulod Jr., 31,  ng Libis Espina St., Caloocan City matapos na mapisak ang ulo nito at katawan nang bagsakan ng troso sa loob ng bodega ng New Lumber and Construction Supply, na matatagpuan sa A. Mabini St., ng lungsod.

Nabatid na kinakalag ng biktima ang plastic cover ng truck nang mahulog  ang mga kargang troso.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DULALIA ST.

FLORENCIO TULOD JR.

LIBIS ESPINA ST.

LINGUNAN

MABINI ST.

NEW LUMBER AND CONSTRUCTION SUPPLY

ROLANDO GLORIA JR.

SUPER SONIC MANUFACTURING CORPORATION

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with