Alcala pinagigisa sa senado
MANILA, Philippines - Matapos idawit ng whistle blower sa P10 bilÂyon Priority DevelopÂment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel si Agriculture Secretary Proceso Alcala hihilingin ni Senador JV Ejercito na isalang ito sa senate inquiry.
“Kung nais niyang maÂlinis ang pangalan niya (Alcala), humarap siya sa senado at pabulaanan ang akusasyon sa kanyaâ€, ayon kay Ejercito.
Ayon naman kay Atty. Levito Baligod, abogado ng whistle blower na si BenÂhur Luy, si Alcala ang nag-endorso sa release ng mga pork barrel ng
ilang mambabatas sa pekeng agency ni Janet Lim-Napoles.
Pinagtataka ni Ejercito kung bakit pawang mga oposisyon lawmakers lamang ang nadidiin sa imbestigasÂyon at ang mga kaalyado ng administrasyon tulad ni Alcala ay hindi ipinapatawag ng senado.
Bukod dito pinasisilip din ni Ejercito ang isang “Voyet Evangelisto†na ginagamit umano ni Alcala sa paghingi ng mga “advance commission†sa mga contractor na mabibigyan ng mga proyekto ng DA.
Nabatid na wala sa planÂtilla ng DA si EvangelisÂto subalit, tila sumusunod umano ang mga regional directors ng DA at maging ng Irrigation Administration directors.
Samantala, nanindigan si Alcala na rehistrado at hindi bogus ang NGO na pinondohan ng ahensiya.
Hinihintay lamang nila ang resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng grupong binuo ng DA na nakatutok sa transaksyon ng tanggapan sa mga foundations. – Malou Escudero, Angie dela Cruz –
- Latest