^

Police Metro

Da Chief paimbestigahan sa ‘Pork Scam’

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isailalim sa imbestigasyon si Agriculture Secretary Proceso Alcala matapos na masangkot ito sa P10 bilyon “pork barrel”scam.

Ito ang naging pana­wagan nina Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas (PAMALAKAYA) spokesman Gerry Corpuz at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairman Will Marbella at agad itong panagutin kung mapapatunayang sangkot sa pork barrel scam.

Hindi umano pabor ang PAMALAKAYA at KMP na magbitiw lang sa puwesto si Alcala at sa halip ay dapat nitong harapin ang anumang imbestigasyon dahil sa ginagamit lang na escape goat ang pagbibitiw para makatakas sa pananagutan kaya dapat masiguro ng taumbayan na haharapin nito ang parusa kung may pagkakasala.

Noong nakaraang taon pa ay hinihiling na ni Marbella na siyasatin ang DA dahil sa mga kuwestiyonableng mga NGO na binibigyan ng pondo.

Ilan umano sa sinasabing nabigyan ng grant ng DA ay ang La Liga Policy
Institute at Education for Life Foundation Institute na umabot sa P20 milyon.

Samantala, umalma naman si Alcala hinggil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa “pork barrel” scam na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Unfair at foul umano ang ginawang pagsasangkot sa kanya ng whistle-blower na si Merlina Suñas na nagsabing nagsilbi siyang key fa­cilitator sa tanggapan.

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

CHAIRMAN WILL MARBELLA

GERRY CORPUZ

JANET LIM-NAPOLES

KILUSANG MAGBUBUKID

KILUSANG MAMAMALAKAYA

LA LIGA POLICY

LIFE FOUNDATION INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with