PDEA nagbigay ng P2.6-M pabuya sa 9 impormante
MANILA, Philippines -Umaabot sa P2.6 milÂyon na pabuya ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa siyam na imÂpormante na naging ugat sa pagkakabuwag ng maÂlalaking laboratoryo ng shabu.
Sa pangunguna ni PDEA director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., ibinigay ang monetary reward na may kabuuang P2,614,188.06 milyon ng kagawaran sa kanilang ika-11 aniÂbersaryo na ginanap sa NIA Northside Road, National Government Center, Brgy. Pinyahan, Quezon City kahapon.
Ayon kay Cacdac, ang pagbibigay ng paraÂngal sa mga impormante ay bunga ng Operation Private Eye (OPE) na naglalaÂyong mahikayat ang mga pribadong maÂmamayan na magbigay ng impormasyon sa mga pinaghihinalaang sangkot sa paggawa ng iligal na droga sa kaÂniÂlang koÂmunidad.
Itinago sa mga paÂngalang alyas Bogart, Dagil, Miami, Ambong, Storm, Mustang, Blackmail, Master, at Unico.
Tanging si alyas Miami ang nakatangap ng pinakamalaking reward na aabot sa P1.5 milyon dahil sa impormasyong ibinahagi nito na nagdulot ng pagkakasamsam sa 34.5 kilograms ng shabu at pagkaka-aresto ng tatlong Chinese nationals sa isang buy-bust operation sa Binondo, Manila noong Hunyo 18, 2013.
- Latest