^

Police Metro

Simbahan binawalan na humingi ng donasyon sa pulitiko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas na nagkakaroon ng papel ang Simbahang Katoliko  sa korapsyon dahil sa panghihingi ng pondo o donasyon  sa mga pulitiko mula sa Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga ito.

Kaya’t sa ipinalabas nitong pastoral letter sa lahat ng Simbahang Katoliko  ay nanawagan ito na   huwag nang manghingi ng anumang pabor o  pondo sa mga pulitiko kasabay na rin ng P10-bilyong pork barrel scam.

Dapat aniyang maging panuntunan ng mga church-based organizations at institutions ang “Walang Hihingi!”

Tulad ng paghingi ng mga kandila, basketball uniforms hanggang sa semento sa kalsada.

Dapat aniyang maging malinaw ang fund-raising projects ng simbahan para walang bahid ng anumang katiwalian. Ayon naman kay CBCP Commission on Public Affairs Chairman Bishop Deogracias Iñiguez, dapat nang magising ang lahat sa kalakaran at dapat  aniyang  pag-aralang mabuti  ang batas tungkol sa pork barrel upang sa tunay na nangangailangan mapupunta ang  pondo.

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAPAT

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PRESIDENT SOCRATES VILLEGAS

PUBLIC AFFAIRS CHAIRMAN BISHOP DEOGRACIAS I

SIMBAHANG KATOLIKO

WALANG HIHINGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with