Senado muling binuhay ang sim card registration
MANILA, Philippines - Muling binuhay ni Senate Assistant MinoÂrity Floor leader Vicente “Tito†Sotto ang panukalang pagpapa-rehistro ng mga prepaid na sim card sa gitna ng nangyaring pagpapasabog sa Cagayan de Oro na ikinasawi ng walong katao na sinuportahan nina Senators Teofisto Guingona at AquiÂlino “Koko†Pimentel ang panukala.
Sinabi ni Sotto kalimitang nagagamit sa kriminalidad ang cell phone lalo na sa pag-detonate ng bomba.
Iimbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ang nasabing pagpapasabog sa Cagayan de Oro.
Nanawagan naman si Senator Ramon “Bong†Revilla Jr. sa pamunuan ng Philippine Natonal Police at sa iba pang ahensiya ng gobyerno na pag-ibayuhin ang ginagawang imbestigasyon at tinawag na isang terorismo ang ginawang pagpapasabog lalo pa’t isang kilalang tahimik na lugar ang Cagayan de Oro.
- Latest