^

Police Metro

Dating deputy Ombudsman, 2 pa nameke ng dokumento

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umano pame­meke ng official documents ay pinakakasuhan ng kriminal ni Ombudsman Conchita Carpio Morales  si dating Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni, dating Assistant Ombudsman Nennette De Padua, at dating Executive Assistant Rosalyn D. Martinez

Sa isang resolusyon na nilagdaan ni Morales, nakasaad dito na nakakita siya ng probable cause para maidiin ang mga aku­sado sa 13 counts ng Falsification of Public Documents at 56 counts ng Infidelity in the Custody of Public Documents .

Napatunayan din ng Ombudsman na si Jalan­doni ay liable sa kasong Grave Misconduct at Conduct Pre­judicial to the Best Interest of the Service kayat dapat itong masibak sa puwesto, makansela ang eligibility, pagkum­piska sa retirement benefits at di maaring hu­mawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Dahil sa nagbitiw na sa kanyang posisyon si Jalandoni noong April 2011, pinatawan ito ni Ombudsman Morales na magmulta ng kasinghalaga ng sahod nito sa loob ng isang taon.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Overall De­puty Ombudsman Orlando Casimiro na nag­sa­sabi na ang mga akusado ay nag­sabwatan sa desisyon, reso­lusyon, kautusan at iba pang official documents noong nasa puwesto pa sila sa Ombudsman noong panahon at iutos pag-imbentaryo sa mga naka-pending na kaso matapos magbitiw sa tungkulin si  Ombudsman Merceditas Gutierrez.  

May  56 kaso ng tampering ang nadiskubre dito na nagresulta ng pagka-delay ng pagpapalabas sa mga naaprubahang mga dokumento at 13 dito ay may patches na nilagdaan ni Jalandoni.

 

ASSISTANT OMBUDSMAN NENNETTE DE PADUA

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CONDUCT PRE

CUSTODY OF PUBLIC DOCUMENTS

DAHIL

DEPUTY OMBUDSMAN

EXECUTIVE ASSISTANT ROSALYN D

FALSIFICATION OF PUBLIC DOCUMENTS

OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with