^

Police Metro

Helper dinedo sa taga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang helper habang ito ay kumakain sa loob ng inuupahang bahay sa Paco, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Marlon Pijana, may-asawa, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), namamasukang  helper ng Jackson Chrisostomo Flour Products at residente  ng  #1440 JMC Corp., Escoda St., Paco, Maynila.

Wala pang natutukoy na suspek ang mga awtoridad at ang posibleng motibo ng krimen.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa isang Alvin Castillo, 24, kapwa okupante ng kuwarto ng biktima, bago naganap ang insidente ay inutusan siya nito na bumili ng kanilang hapunan sa karinderya at pagbalik niya ay nakita niyang duguan na ito kaya humingi ng saklolo sa isang Rodel Purog, tricycle driver, na katulong sa pagsugod sa PGH kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon, magulo at makalat ang silid ng biktima at puro dugo, na indikasyong nanlaban ito sa umaatake sa kaniya.

vuukle comment

ALVIN CASTILLO

AYON

BATANG CITY JAIL

ESCODA ST.

JACKSON CHRISOSTOMO FLOUR PRODUCTS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON PIJANA

MAYNILA

RODEL PUROG

RONALD GALLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with