^

Police Metro

‘Mukha’ ng bomber sa CDO hawak na ng pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hawak na ng Police Regional Office (PRO) 10 ang  mukha o artist sketch ng suspek sa malagim na pagpapasabog sa isang restaurant sa Cagayan de Oro kung saan anim ang nasawi habang 37 pa ang sugatan na naganap noong Biyernes.

Sinabi ni PRO 10 commander Chief Supt. Cata­lino Rodriguez, Jr., ang nabuong larawan ay base sa panayam na ginawa sa mga nakasaksi sa naturang pagpapasabog.

Batay anya sa mga tes­tigo, nakita nila ang isang lalaki na nag-iwan ng backpack sa naturang bar ilang sandali bago naganap ang pagsabog.

Ito anya ang naging giya ng kanilang tanggapan upang mabuo sa pamamagitan ng artist sketch ang mukha ng salarin na siya ngayong kanilang sinisimulang imbestigahan.

Sa naganap na pagsabog ay anim ang nasawi kabilang ang isang board member ng Misamis Oriental, na nauna nang sinabing nakatatanggap ng death threat bago ang insidente.

Pero inamin ni Rodriguez, hindi pa nila matukoy kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing pagpapasabog.

Patuloy pa rin anya ang pagi-ipon ng kanilang tanggapan ng mga lead kung ano ang motibo ng nasabing krimen.

BATAY

BIYERNES

CATA

CHIEF SUPT

HAWAK

MISAMIS ORIENTAL

ORO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with