NPA vs Army: 1 patay, 2 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang sugatan naman ang dalawang miyembro ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army sa naganap na 45-minutong bakbakan ng magkabilang panig na naganap sa Barangay Rombang, Laoang, Northern Samar kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Capt. Amado Gutierrez, tagapagsalita ng 8th Infantry Division, ang 34th Infantry Battalion ay ipinadala sa lugar matapos makarating sa kanila ang impormasyon na ang mga rebelde ay nangingikil ng pera at pagkain sa mga residente sa nasabing barangay.
Sa sagupaan, isang NPA fighter ang nasawi habang dalawang tauhan ng pamahalaan ang sugatan na sina Pfc. Ambel G. Cabanjen at Cpl. Allan H. Virtudazo.
Sanabi ni Gutierrez, ang mga rebelde ay agad na nagsipagtakas makaraang makita ang nasawing kasamahan, at naiwan ng mga ito ang dalawang M-16 automatic rifles, dalawang improvised explosive devices at anim na backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento.
Sabi naman ni Major Gen. Gerardo T. Layug, commander ng 8th Infantry Division, nanatiling nakabantay ang kanilang tropa sa Brgy. Rombang upang pagsilbihan ang mga residente na madalas na hinihingan ng mga rebelde para sa kaÂniÂlang pangaÂngailangan.
- Latest