CCTV sa bus bubuhayin ng MMDA
MANILA, Philippine s- Bubuhayin muli ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng Closed Circuit Television Camera (CCTV)†sa mga Public Utility Bus sa Kamaynilaan.
Kasunod ito ng ilang naitalang kaso ng pangho-holdap sa mga bus nitong nakaraang linggo kabilang ang pagkakapaslang sa isang call center agent at chef na binaril ng mga holdaper sa loob ng bus.
Sinabi ng MMDA, nakakabahala na ang mga insidenteng ito na patuloy na nagaganap sa kabila ng ipinagmamalaking police visibility ng PNP.
Sa pamamagitan ng CCTVs sa mga bus, magdadalawang-isip ang mga holdaper na sumalakay at kung mambibiktima man ay makakatulong sa pagkilala ng mga salarin at pagresolba ng krimen.
Bagama’t wala pang inilalabas na pinal na panuntunan, inaasahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi tututol ang mga bus operators dahil sa responsibilidad rin nila ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Bukod dito, muling pinaalalahanan ng MMDA ang mga operators na huwag gawing tinted ang mga salamin ng kanilang mga bus at huwag tatakpan ng kurtina upang makita ng mga otoridad at publiko ang nangyayari sa loob ng bus.
Ito ay upang agad na makuha ang atensyon ng publiko kung may nagaganap na panghoholdap na maaaring humingi ng saklolo sa pulisya.
- Latest