^

Police Metro

10 taon kulong sa sibilyan na magsusuot ng uniporme ng pulis at militar

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampung taong pagkakulong ang hatol sa sinumang indibidwal na hindi otorisadong magsuot ng uniporme ng pulis at sundalo.

Ito ay sa sandaling mapagtibay ang House Bill 368 na inihain ni Cebu Cong. Raul Del Mar na naglalayong gawing krimen ang pagsusuot ng mga sibilyan ng police at military uniforms.

Sa ilalim ng panukala, bukod sa 10 taong pagkakakulong ay may P20,000 multa sa mga hindi otorisado o sibilyan na magsusuot ng ganitong uniporme.

Samantalang limang taong kulong at P10,000 multa naman ang haharaping parusa ng sinumang magbebenta ng police at military uniforms ng hindi otorisado.

Paliwanag ng mambabatas, ang indiscriminate na pagsusuot ng mga sibilyan ng uniporme ng mga pulis at sundalo ay nakakasira sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagagamit sa paggawa ng krimen.

Sa kasalukuyan ay wala pang batas na nagbabawal sa pagsuot ng mga sibilyan ng ganitong uniporme.

Bagama’t umiiral ang Republic Act 493, nire-regulate lamang nito ang paggamit, pag manufacture at pagbebenta ng insignia, decorations, medal at badges na para sa mga pulis at sundalo.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGAMA

CEBU CONG

HOUSE BILL

PALIWANAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAUL DEL MAR

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with