^

Police Metro

Kalaguyo ni misis tinodas ng mister… huli sa akto

Ed Casulla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang mister ang kalaguyo ng kanyang misis matapos na mahuli niya ang mga ito sa akto na nagniniig sa isang bakanteng bahay kahapon ng umaga sa Zone 2, Relocation Site, Barangay Anislag, Daraga, Albay.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinila­lang si Charlie Bonifacio, 32, may-asawa, tricycle dri­ver at residente ng Zone 1 ng naturang lugar.

Kusang loob namang sumuko sa mga opisyal ng barangay ang  suspek na si Louie Manjares, 35, obrero at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga ay maagang umalis ang suspek sa kanilang bahay at nagtungo sa bundok upang maghanap ng kahoy na panggatong para sa pag­luluto ng kanilang sinaing at ulam.

Ilang oras ang nakalipas sa pag-uwi ng suspek sa bahay ay hindi nito nadatnan ang misis na nakilalang si Janice.

Kung kaya’t hinanap nito ang kanyang misis at pagdating sa bakanteng bahay ay nakarinig ito ng pag-ungol ng babae na tila nasasarapan.

Kinutuban ito ng masama kung kaya’t sumilip ito at ganun na lamang ang kanyang panglulumo nang makita ang misis na kinukubabawan ng biktima.

Galit na binunot ng suspek ang dalang itak at pinasok ang bahay na ikinagulat ng magkalaguyo at pagkatapos ay pinagtataga nito ang biktima.

Mabilis na nagtatatakbo ang misis palabas ng bahay na hubot-hubad dahil sa takot nito sa kanyang mister na isunod siyang tagain at nagtago sa bahay ng kanyang kaibigan at binigyan ng saplot sa katawan.

 

vuukle comment

ALBAY

BAHAY

BARANGAY ANISLAG

BATAY

CHARLIE BONIFACIO

DARAGA

GALIT

LOUIE MANJARES

RELOCATION SITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with