^

Police Metro

‘Dress Code’ ni Miriam malabo –SOLON

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Malabo umanong maipasa ang mungkahi ni Senador Miriam Defensor Santiago na mag uniporme ang mga mambabatas tuwing dadalo ng State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni House Majo­rity leader Neptali Gonzales II, posible hindi umano magkaroon ng interest ang ibang mambabatas sa nais ni Santiago dahil mas madali pa umanong maipasa ang Charter change kumpara sa ihahain nitong resolusyon.

Giit pa ni Gonzales, mas magkakasundo pa ang mga Senador at Kongresista sa kung ano ang dapat isulong na amyenda sa Sa­ligang Batas kumpara sa kulay at disenyo ng SONA uniform.

Matatandaan na naimbiyerna si Santiago sa parada ng mga guest sa SONA ng pangulo noong lunes dahil sa suot na magagarang damit at alahas.

Pabor naman si  3rd district Camarines Sur. Rep. Leni Robredo sa panukala ni Santiago dahil hindi umano ito komportableng mag gown o mag bihis ng husto at ito rin umano ang dahilan kaya hindi siya dumaan sa red carpet.

Paliwanag ni Robredo, nalilihis sa tunay na layunin ng SONA ang mga agaw atensyon na damit ng mga kongresista.

BATAS

CAMARINES SUR

GIIT

GONZALES

HOUSE MAJO

LENI ROBREDO

NEPTALI GONZALES

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with