^

Police Metro

Biazon nagpapigil lang… pagbibitiw gawing pormal – JV

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tila nagpapigil lamang umano si Bureau of  Customs Commissioner (BOC) Ruffy Biazon kaya hindi nito gina­wang pormal ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto sa halip ay nag-text lamang kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito, kapag nagbitiw ang isang opisyal sa pamama­gitan ng pagti-text ay parang nagpapapigil lamang at wala talagang intensiyon na iwan ang posisyon kahit pa nabanatan na ng Pangulo.

“Government official ka, dapat formal lahat ng transaksiyon at communication,” ani Ejercito.

Tinuligsa din ni JV ang ginawang pagdi-display ni Biazon ng text conversation nila ni Pangulong Aquino sa publiko dahil nagpapakita umano ito ng kayabangan.

Naniniwala si JV na “unethical” ang ginawa ni Biazon na pagbabandera sa publiko ng komunikasyon nila ng Pangulo at hindi ito dapat naging public knowledge.

“Kung anuman ang usapan o text nila ng Presidente, dapat hindi niya i-divulge yun bilang courtesy at respeto na rin sa Presidente,” ani Ejercito.

Aniya, kung totoong  sinsero si Biazon at nais nitong bigyan ng kalayaan ang Pangulo na mamili ng bagong uupo sa BOC ay dapat nagpadala ito ng resignation letter sa presidente katulad ng ginawa ni Customs Deputy Commissioner Danny Lim.

vuukle comment

ANIYA

BIAZON

CUSTOMS COMMISSIONER

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER DANNY LIM

EJERCITO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RUFFY BIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with