^

Police Metro

Malawakang dayaan sa Napolcom exam sa Mindanao

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Makaraang madiskubre ang malawakang dayaan noong nakaraang taon ay ipinawalang bisa ng Natio­nal Police Commission (NAPOLCOM) ang resulta ng eksaminasyon na kinuha ng 225 examinees sa Mindanao. 

Ayon kay Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta, sa isinagawa nilang regular na “pattern analysis” nadiskubre ang pandaraya sa PNP Entrance at Promotional Examinations noong Abril 29 at Oktubre 14, 2012. 

Sa examination sheets sa 205 PNP Entrance exami­nees, nakita na may mataas na bahagdan ng magkakatulad na pattern ng maling sagot na nasa pagitan ng 50%-100%. Ang 20 namang Police Officer 1 na kumuha ng Promotion Exam ay nakita rin na may mataas ring bahagdan ng pattern ng ma­ling sagot.

Ang mataas na antas ng maling sagot ay malinaw na ebidensya na nagkaroon ng iregularidad o pandaraya na labag sa RA 9416 o ang “Anti-Cheating Law of 2007”.

Kaya’t nagbaba ng direktiba si Escueta sa 205 civilian examinees na hindi makakakuha ng PNP Entrance Exa­mination sa loob ng tatlong taon  batay sa probisyon ng NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2000-00. Gayun din ang 20 pulis na PO1 na hindi makakakuha ng Promotion Exam sa loob ng tatlong taon.

 

ABRIL

ANTI-CHEATING LAW

ENTRANCE EXA

MEMORANDUM CIRCULAR NO

NAPOLCOM VICE-CHAIRMAN EDUARDO ESCUETA

POLICE COMMISSION

POLICE OFFICER

PROMOTION EXAM

PROMOTIONAL EXAMINATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with